Monday, January 14, 2013

G.I.F


:-)

maraming tao 
sa daanan galing akong bahay ng aking katipan,
maraming tao sa paligid bumibili ng pagkain, naglalakad, tumatawa, kumakain,
sumakay ako ng tren,

maraming tao 
sa loob, nakatingin ako sa labas pinagmamasdan ang madilim na kapaligiran,
makikita mo lang ang mga ilaw na gumagalaw.....nakakatakot,nakakapagod..
ilang istasyon na lang malapit na ako sa kalahati ng daan  patungo sa pupuntahan ko,

maraming tao
sa paligid,nakaranas na naman ako ng walang katapusang pila para lang makalabas ng istasyon
dirediretso lang ang lakad ng mga tao, mga nakapikit sila mga pagod din,inaamoy na lang nila kong saan sila pupunta, naguusap sila gamit ang kanilang mga pakiramdam,

hindi nila ako nakikita, ako nakikita ko sila, hindi ako nakapikit habang naglalakad hinahanap ko kasi ang daan papuntang kabilang tren,nadadaanan ko sila, silang mga pagod na nagbabanat ng buto, silang mga naghahanap ng piso sa kalsada, silang mga nagtatapon ng perang papel sa kalsada, lahat sila nakikita ko pero hindi nila ako nakikita kahit may kulay ang sapatos ko...

ikalawang byahe ng tren...
maraming tao..
maraming taong nakapikit sa loob ng tren pagod, puyat, pagod na sa buhay nila, may nakikita rin ako malalaki ang tyan at puno na ng langis ang katawang tao nila, may mga babaeng amoy pesteng pine tree sa bus, may mga taong walang pakiaalam sa iba basta makatayo lang ng diretso sa loob ng uaamadar ng bulate habang umuulan,...amoy daga sa loob ng tren

maraming tao 
siksikan...,
bumaba na ako ng tren....,at napunta sa walang katapusang pila ng buhay..
nakakita ako ng kaibigan,,tunay na kaibigan,,,masaya..nakangiti kami..,
maraming klase ng tao ang nakapila..may apat ang mata may kawayan ang katawan may bilog ang mukha pero walang bibig, may mga mata pero walang leeg...
 nakalabas na ako sa istasyon..,

maraming tao.
sa jeep na sinasakayan ko..,masikip mas maraming  nakasakay na gulong ng jip sa loob kesa sa tao..,
mabaho..umaambon..mabilis ang patakbo ng sasakayan,,madilim sa loob ng bus..,

maraming tao..
nakarating din ako sa lugar..,naglakad nga kaunti patungo sa mundo nya..,
maraming mga taga ibang planeta akong nakikita, may mga naglalakad na patatas,
may mga nagsasalitang french fries,
may mga lumilipad na batang may pakpak na gawa sa tsinelas na mamahalin..,ang paligid ay parang nasa pilikula lamang..,maraming pagkain,,maraming ilaw,,mabango ....mahal ang bawat kagat mo sa pagkain..

maraming tao...
sa harapan ng mundo nya..,
silang mga kaibigan nya.,silang mga kaibigan ko,silang mga matatalino na hindi mo halata,
silang mga malalakas pero hindi nagbubuhat ng bangko bagkus umuupo sa lapag..
silang mga may kapangyarihang gumawa ng makabagong bagay gamit ang kanilang mga kamay..
konting apir..kamay-kamay sa kaibigan kong kamay,saglit lang pasok lang ako sa loob....

maraming tao........sa loob ng mundo nya,,,maraming tao pero lahat sila nakabukas ang mata, at isipan ..manghang mangha....at isa ako dun,...
biglang tumigil ang oras sa pakiramdam, ko..,dahan dahan kong nakikita ang mga linya, kulang na gumagalaw ilaw na sumasayaw,mga bilog na kumakawadrado, mga bukas na sumasarado...mga mukha, ulo at kamay nga tao...,
ganito pala ang pakiramdam ng nasa loob ka ng isip ng isang tao..,,
ang mundo nya na kung saan malaya kang magisip at tumawa, magsalita at gumawa..dumura.,

maraming tao...
maraming nabubuo sa isip ko,
maraming pangarap..
maraming bago..,
maraming kwento,
malaki ang epekto......
magiimbento din ako...






maraming salamat sayo.....